(Page) Hit me baby one more time!

Wednesday, August 8, 2007

Gusto kong matutong magdrive...

Obvious naman sa title ng entry noh? I just started my driving lessons (after almost 5 months of waiting after initial registration) in Belhasa Driving School last August 3. Kung hindi pako nangulit kay Ashish…eh hindi pako mabibigyan ng schedule. Syempre umiral na naman ang ka-malditahan ko…sabi ko, wala silang ‘word of honor’…sabi ko rin, ako ang tipo ng tao na hindi pinapalagpas ang mga to. Tapos pinagkukuha ko lahat ng pangalan ng mga nakakausap ko sa phone na nangangakong tatawagan ako...na never ako tinawagan. After so many pangungulit, I finally got called! Whew!

Last Friday, I went there in the driving school, expecting na classroom training lang muna. But then, nakuuu…pasakayin daw ba ako sa driver’s seat! Then, ayun nga, pinagdrive at pinagpark ako…so far, ok naman. Ang prob ko lang eh hindi ko palagi matantsa ang pagliko ko at nalilito ako sa kung saan ako unang titingin.

Honestly, hindi ko alam kung maipapasa ko to…ok sana kung sa Pinas eh. Eh dito sa Dubai, naku, pahirapan ang driver’s license. Hindi problema ang kotse ng mga tao dito…ang problema eh ang lisensya…haaayy…Sobrang tuwa ko na kung maipasa ko to ng 2 to 3 takes lang. Nakakatakot din ang gastos, imagine, for every failure eh halos Dhs650? Gravacious!

Actually isa pa to pala kung bakit ako tinatamad these past few weeks…I really feel demoralized ata…haaayyy…

There’s something in me na ayokong tinuturuan ako, gusto ko ako mismo ang nagdidiscover or nag-aaral. =(

No comments: